September 16th, 2004

friendster? ala kwenta!

para san ba ang friendster?

dba para makita mo ulit ung old friends mo..
para may communication..

eh bakit ganun?
ilang beses na ako nag message sa kaibigan ko..

wala pa ring reply..

sabe ng iba.. baka busy lang daw

pero ang sipag nya mag post sa bulletin ha.. ganun ba ang busy?
amp.. kala ko kaibigan ko sya..


cancer lang naman ang sakit ko (nde naman nakakahawa un dba?)
bakit kailangan ako layuan?

pakiramdam ko tuloy ketong/AIDS ang sakit ko..

eto msg ko sa kanya..

"nasabe ko na sa iba na nagtatampo na ako sau.. kaw pa man din ung ka close ko.. inignore ko na lang ung tampo ko nung cnabeng busy ka lang daw talaga.. pero bakit iniignore mo messages ko? sakit eh parang nde kita kaibigan.. kung nilalayuan mo na ako.. fine.. sana sabihin mo na lang sa mukha ko.. o kaya message mo na lang sa friendster.. tatanggapin ko naman eh.. kaysa naman iwas ka ng iwas.. nde ko alam eexpect ko eh sa isang kaibigang tulad mo.. tsaka para nde ka na rin magkasala sa pagbibigay ng excuses..

i know ur happy with ur life.. and im just another pathetic person na naghahanap ng atensyon.. sorry ha.. nagkasakit lang.."
Currently feeling: pissed
Posted by schizophrenic_ at 11:10 PM | 4 says its reallly

September 14th, 2004

SOMEONE TO TALK TO..

im sooo tired.. hayzz

biyahe araw araw papuntang ospital..

sta ana.. las piñas..

las piñas.. sta ana..

wish ko lang isang kanto lang ang ospital dito sa amin..

wala na aircon room ko.. sobrang alikabok

kakalinis ko lang.. maitim ulit ang talampakan ko..

kakalaba ko lang.. tambak ulit madmumi damit..

masama pakiramdam ko.. kulang lang daw ako sa exercise..

kailangan ko kausap.. wala available.. pati BF..

hayzz

add nyo naman ako YM.. para may makausap naman ako..

YM: lost_enchanting_nightingale

add mo ko ha?

Currently listening to: Brick
Currently feeling: restless
Posted by schizophrenic_ at 11:53 PM | 6 says its reallly

September 10th, 2004

unang araw ng radiotherapy

gumising ako ng maaga para pumunta sa ospital.. aga nga namin lumabas.. hirap naman pumara ng taxi.. hayzz

habang bumibyahe.. nagiisip ako ng maganda isusulat dito.. hanggang sa nagsawa ako kakaisip.. sabe ko sa sarili ko bahala na malamang may mangyayari naman na kakaiba sa ospital, un na lang.. hehehe

pagdating dun.. matagal pa kami ulit naghintay.. andami kasi pasyente.. syempre lahat may kanser.. iba-iba nga lang.. at isa ang napuna ko sa kanila.. parang hinang-hina sila(malala pa.. parang ang lungkot nila)..

*cguro napapaisip ka kung bakit ba talaga nakukuha ko pa maging masayahin kahit ganito ako.. isa lang naman dahilan eh.. kung oras ko na, talagang oras ko na.. kung mamamatay ako sooner or later atleast na enjoy ko ung mga huling oras ko sa mundo.. at gsto ko ganun ako matandaan ng mga taong mahal ko..

oonga pala imbes na 30 days naging 23 days na lang yipeee!!!

balik sa kwento ko..

magkaiba pala ung cobalt sa linac(linear accelerator).. sabe nila luma na ung cobalt.. nanununog daw ng balat(as in nangingitim) tapos ung linear(linac) eh ung makabago(at syempre mas mahal)

pero nabasa ko sa isang article sa internet may advantage un pareho.. ung cobalt bagay sya sa mga breast cancer ung tipong ang tumor mo eh nasa labas lang.. tapos ung linac eh bagay kung nasa malalim na part ng katawan ung tumor.. isang disadvantage ng cobalt eh sa pagkakaintindi ko.. wala syang control sa inilalabas nyang radiation kasi depende lang daw iyon sa cobalt na meron ung machine.. ung linac eksakto na..

hays salamat after 30 mins un na.. pinaakyat na kami dun sa simulation room para sa planning(sabe ng doktor dun daw ginagawa ung pag aasinta.. kumbaga sa barilan dun naglalagay ng target para pag nag undergo na ng treatment aasintahin na lang.. )

lumabas ung lalaki(technician) tapos pipicturan daw kami.. hehe seryoso lang ung mukha ko nun.. dapat pala nanlaki ako ng mata tapos BELAT! hahhahaha

mauuna si tatang(nde ko nalaman kung anu case ung sa kanya) pagpasok nya pinahiga sya dun tapos nakita ko pinatatanggal ung pants(amp manilip daw ba ako.. hahaha) tapos sinara na nila ung pinto..

habang nag aantay(pang 2nd kasi ako).. nakakwentuhan namin ung mga kasabay namin.. ung isa sa matress(pero magaling na daw sya) ung isa sa cervix(naka wheel chair sya at parang malungkot..)

NEXT!!!

uy ako na! hehe.. pagpasok ko sa loob inantay ko ung instructions nila..


^_^ -->technician(male)
>.< -->ako
O.O -->doctor(male)


^_^ --> maam paki tanggal lang po ung shirt..

>.< --> (inde kumikilos.. nag aantay ng damit na pamalit)

^_^ --> maam pakitanggal na rin po ung bra para maka start na tayo..

>.< --> ( huwaaaattt??!?! nde nakatiis at nagtanong na ako) asan ung pamalit na damit?

^_^ --> wla na po.. eto po tela..

>.< --> (amp.. kailangan ba toh? huhuhuhuh.. edi un nagtapis ako.. )

^_^ --> (ibinaba ung tapis..)

(kita na cleavage ko wahahaha)

>.< --> (huwaaaaaa!!! wag lang hahawak.. uupakan ko talga un )

O.O --> start na tayo ha.. relax ka lang..

edi nagstart na.. series of xrays yata ung kinuha.. tapos nagdecide na sila kung saan ung lalagyan nila ng mark..

^_^ --> maam relax lang po ha.. susulatan ko lang po kayo (may hawak na pentel pen)

>.< --> (uy anlamig..lolz anu kaya itsura nung drawing.. hehehe)

tapos umalis sya ulit.. wag lang daw ako malikot.. pagbalik nya..

^_^ --> maam lalagyan ko lang po kayo ng tattoo..

>.< --> (nag isip kung tama narinig ko..) ano kamo un?

^_^ --> lalagyan na po natin ng mark kung san itatapat ung radiation.. (sabay ON ng pang tattoo) wag po kayo mag alala.. mababaw lang toh nde masyado masakit..

>.< --> waaaaaaah.. (seyoso ka?) masakit yan eh.. huhuhuhu

^_^ --> gantihan nyo na lang po ako pagkatapos.. *smiles*

>.< --> (bahala na nga.. konti lang naman cguro un )

habang nilalagyan..

^_^ --> nde naman po yan masakit.. dba maam? masakit po ba? (sabay diin)

>.< --> (oonga noh nde masakit.. pero nung dininan..ouch! pero konti lang naman.. cguro natakot lang ako sa idea ng tattoo kaya ako kinabahan..) mejo masakit din ha.. gagantihan kita mamaya.. wehehehe

^_^ --> heheh *tawa-tawa..*

O.O --> ok.. tapos na..

hayzz natapos din.. nde na ako topless.. hehehe.. nung natapos napaisip ako.. pano kaya un si tatang at ung isa na nakawheel chair.. sa genital areas yata ung case nila.. edi hubo sila?? huwaaa.. swerte pa rin cguro ako kung ganun..

tapos nung planning.. ginawa na ung first treatment ko ng linac/linear.. wala nakahiga ka lang tapos may nakatutok lang sau(dun nanggagaling ung radiation..).. tapos may laser light na red.. para kang tinatarget.. lol

yey nakatapos na ako ng isa.. what a day!

tapos ng lahat lahat na un.. kumain na lang ako ng BIG MAC.. yum yum! heehee

nakakatuyo talaga ng lalamunan ung therapy ha..
Currently feeling: thirsty
Posted by schizophrenic_ at 01:33 AM as a favorite post | 4 says its reallly

September 9th, 2004

mga tanong lang..

CAREER vs RELATIONSHIP

sa isang relasyon.. kailangan bang pagselosan ang work/studies?

malamang sagot mo HINDE..

ako rin naman ganun din ang isasagot ko eh..

pero minsan tlaga nde ko napapansin.. un na ung dahilan kung bakit naiinis ako at nagagalit sa bf ko..

minsan lang talaga naghahanap lang ako ng atensyon..

konting panahon.. para makapag usap

MALI BA UN?

sana kung busy at talagang maraming gnagawa.. wag naman sana makalimot mag text o tumawag.. maiintindihan ko naman un eh.. dba?

MALI RIN BA UN?


para sa mga tao jan sa tabi-tabi na may ganitong krisis sa relasyon.. MAG USAP kayo.. wag nyong palalain ang sitwasyon.. baka isang araw na lang paggising nyo nsa piling na ng iba ang mahal nyo..




BABAE o LALAKI?

LEORIC.. ang naisip na pangalan (ng lalaki) ng labs ko kung sakaling balak na naming magkaanak.. unique sya ha.. pede na! Parang katunog ng LEORIO.. ung sa hunterXhunter..


speaking of hunterXhunter.. binalik nanaman nila un.. ipinapalabas sa 7..

may tanong lang ako sa mga fanatic jan..

anu ba c kurapika.. babae o lalaki?

ganun ba talaga ang style ng gumawa nun? may isa laging character na alanganin sa sexuality nya? heehee
Currently feeling: blah
Posted by schizophrenic_ at 11:51 PM | Is it that bad??

September 8th, 2004

IYAKeeeeeN!!!

OO iyakin ako.. pero konti lang nakakakita sa akin umiyak.. madalas na nakakakita nun BF ko(sensya na bebi).. ang pagiging iyakin ba ay sign ng pagiging mahina? Matiisin akong tao.. pero i admit madalas akong umiyak kaso pag tulog na lahat ng tao at madilim.. cguro un ang way ko para mailabas ung lungkot ko.. kaysa makipagdaldalan ako kng kanikanino para sabihin ang problema ko.. mas gsto ko pag kinausap ako, dapat MASAYA! dba?

maaga ako nagcng para sa appointment sa doctor.. pero.. bigalng nakaramdam ako ng matinding lungkot.. napayakap na lang ako sa katabi ko sabay hagulgol.. eto mga dahilan ko:

-maguumpisa na ang malaking gastos (1200++/day for 30 days, maliban pa sa initial fee na 8k)
-maiiwan na ako sa bahay namin sa Parañaque.. (i dont wanna be alooooneee!!! huhu)
-kaya ko ba ulit mamuhay ng normal?
-anu na ang plano ko sa buhay tapos nitong sakit ko?
-anu na ang mangyayari sa akin? sa pamilya ko?
-ma-mimiss ko magulang ko..

hinde ako mapigilan sa kakaiyak.. nde ako nagsasalita.. tuloy-tuloy lang ang luha ko.. hanggang sa nagdesisyon ako na tama na.. kailangan ko na magpatuloy.. nde pedeng ganito.. napag desisyunan ko na itext ang doktor ko at sabihin sa thursday na lang ako punta..

bumaba ako para sabihin un sa nanay ko.. mahimbing pa ang tulog nya.. tumabi ako sa kanya.. yayakap sana ako.. pero naalimpungatan yata sya.. tinulak nya ako palayo.. amp amp amp (kala nya cguro kung cnong dambuhalang kalbo ung yayakap sa kanya.. amp tlga) pero nung nagsalita ako nakilala na nya.. sabe ko sa thurs na lang.. mejo nagalit sya konti.. may ibunulong ako sa kanya at inexplain ko sa kanya pede pa naman till thurs.. tapos niyakap nya ako mahigpit.. lalu ako naiyak.. ewan ko ba bakit ganun, pag nanay ko yumayakap sa akin parang natutnaw puso ko.. at nangingilid ang luha ko..

sabe ko kasi sa kanya.. "kasi Ma.. mamimiss kita eh.."

hayz kung pede lang takasan lahat ng bagay na ganito.. gstong gsto kong tumakas pero nde ko magawa.. kaya naglaro na lang ako nito..
Currently listening to: music ng Laro na El Immigrante
Currently feeling: sad
Posted by schizophrenic_ at 04:16 AM | 1 says its reallly
« | »